Tumblr Ni Prinsipe Binsyo

Binsyo. Matanda na bata. Prinsipe. Ika-apat na bahagi ng mga Ulap. Kumakain. Humihinga. Natutulog. Tumatawa. Umiiyak. Normal. Hindi baliw. Nag-aaral. Nagsasalita. May malay... pero parating wala sa sarili. Nagbabasa. Nagsusulat. Naglalakbay... para ang kanyang Prinsesa ay mahanap, mahawakan, mayakap, at mahagkan... o kahit masilayan man lang. Ikaw ay nagbabasa. Hindi ito kanta. Huwag kang tumawa. Hindi ba halata? Wala akong magawa. Kumakanta. Sumasayaw. Ako ay makata. Ikaw ay nagkasala. Huwag kang magmakaawa. Huwag kang magmamaang-maangan pa dahil tulad ng nabanggit, wala lang ako magawa.

Read the Printed Word!

May 2

Apat na buwan din ang nakalipas. Happy New Year pa ‘yung last post ko, hahaha. >_< Muntik ko pang makalimutan password ko. Ba’t nga ba ako nagbalik dito?

Apat na buwan akong hindi nagtumblr, pero parang walang nagbago. Baka kailangan ko nang palitan ang mga finafollow ko.

Nagbabalik ako, pero parang hindi ako excited. Sana may mahanap akong dahilan para magpatuloy dito.


Jan 1

Happee New Year!!!

  • Kakagising ko lang, kaya good morning!!
  • Nagising ako dahil sa sakit ng tiyan ko, kaya pupunta muna ako sa banyo!!
  • Nakalimutan ko palang tumalon kagabi, kaya susubukan kong tumalon pagkatapos kong tumae para tumangkad naman ako ng 0.0001 inches bawat talon. Sa banyo ako tatalon para hindi nakakahiya.
  • Kakain na naman ako pagkatapos kong tumalon at matutulog uli, kaya good night!!

Dec 26
I’ve thought of many things I wish I had written.

Nasaan Na Kaya Sila?

Pasko na naman, oh kay tulin ng araw…

'Nung bata pa ako, parati kaming nangangaroling sa malalapit na bahay dito sa kumunidad namin. Mababaw lang ang kaligayahan namin noon. Napapangiti na kamiĀ  mula sa pisong barya hanggang sa bente pesos na nakukuha namin sa bawat bahay.

Tenk you, tenk you, ang babait ninyo tenk you!

Minsan naman, wala kaming nakukuha kahit isang kusing. Pagkatapos naming mapagod sa kakakanta ay iiwasan at paaalisin lang pala kami at sasabihing, “Wala pang pasko, balik nalang kayo ng alas-dose ng bente-singko!” o ‘di naman kaya ay, “Tapos na ang pasko, balik kayo sa susunod na taon!” Eh, kailan pa kami mangangaroling niyan? Alas dose lang talaga? Isang minuto lang? Eh, wala pang isang kata ‘yun ah. Hayy Naku!!

Tenk you, tenk you, ang babarat ninyo tenk you!

Pero sa totoo lang, hindi naman importante kung magkano ang nakukuha namin eh. Sa totoo lang, kaya ko namang humingi ng mas malaking pera sa mga magulang ko eh. Ang importante lang sakin, eh ‘yung saya na nararamdaman ko kapag nabibigyan kami kahit ang kulit na namin, tsaka ‘yung pagsasama naming magkakaibigan. Nagkakaroon pa ‘ko ng bagong kaibigan. At syempre, mawawala ba naman ang kumpetisyon sa bawat grupo… padamihan ng nakukuhang pera. Hahaha. Tumutulo pa sipon ko nun eh habang nakikipag-away.

Noon, Disyembre 20 palang, maingay na ang kalsada dahil sa mga nangangaroling, at umaabot pa ‘to hanggang New Year. Minsan nga pabalik-balik nalang kami ng bahay dahil naikot na namin ang buong baranggay o ‘di kaya’y dumadayo na kami ng ibang baranggay. Ewan ko lang kung anung nangyari ngayon.

Mabibilang ko nalang ang mga nangangaroling sa bahay namin ngayon. Wala pa sigurong limang grupo ng kabataan. Hindi na ba uso ang karoling ngayon? Ano kaya ginagawa ng kabataan ngayon at hindi na sila nangangaroling? Nasaan na kaya sila? Baka sumama kay Elisa.


Merry Christmas!

Sana kahapon ko ‘to napost, eh no.


Dec 18

Ang tagal ko ng hindi nakakapagblog. Pero hanggang ngayon, wala parin akong matinong maiblog. Hahayy buhay. Next week nalang (pramis sa sarili ko).


Nov 8
Parang ang buhay ay walang gulo. Nakakahinga ka ng maluwag sa hanging  hindi nagbabadya ng panganib sa mundo&#8230; at kahit sa sandaling panahon  ay makakalimutan mo ang kalupitang dala nito.
Napakaaliwalas ng  pananaw mo. Nakakapagnilay-nilay ka pa sa katahimikang handog ng  kalikasan para sa iyo&#8230; at wala ka ng ibang hihilingin pa kundi sana  magtagal ang oras na ito.
Ang sarap lang mabuhay sa mundong ito. Nakakawala ng napakaraming  problema sa buhay &#8216;pag ganito ang tanawin na sasalubong sa iyo&#8230; at  kasama mo pa ang taong nagpapasaya sa iyo.
(Image:After the Rainby *jjuuhhaa)

Parang ang buhay ay walang gulo. Nakakahinga ka ng maluwag sa hanging hindi nagbabadya ng panganib sa mundo… at kahit sa sandaling panahon ay makakalimutan mo ang kalupitang dala nito.

Napakaaliwalas ng pananaw mo. Nakakapagnilay-nilay ka pa sa katahimikang handog ng kalikasan para sa iyo… at wala ka ng ibang hihilingin pa kundi sana magtagal ang oras na ito.

Ang sarap lang mabuhay sa mundong ito. Nakakawala ng napakaraming problema sa buhay ‘pag ganito ang tanawin na sasalubong sa iyo… at kasama mo pa ang taong nagpapasaya sa iyo.

(Image:After the Rainby *jjuuhhaa)


Page 1 of 34